Thursday, November 15, 2012

Stereotypes.


"Hindi lahat ng sa tingin ng marami ay tama, dahil hindi batayan ang bilang ng naniniwala para sabihin mo sarili mong tama rin na maniwala ka."

Isa yan sa mga bagay na napatunayan ko habang nabubuhay ako. Sa maraming pagkakataon madali tayong madala at mahigit ng sitwasyon lalo na kung ang mga tao sa paligid natin ay iisa lamang ang sinasabi. Hindi man natin gusto ay nadidiktahan tayo ng iba siguro dahil malapit tayo sa kanila o nasanay na lang tayo na maki-ayon sa pangyayari. Minsan ganyan ako. "Kung anong gusto ng iba, sige doon ako." Hindi rin naman kasi masamang mag-compromise. 

Pero ang ayoko... 'yung stereotypes.

Nagiba ang pananaw ko simula ng nakilala ko ang kaibigan ko na ito. Isa siyang frat man. Actually, hindi ko alam noon na frat man siya. Nalaman ko lang sa isa pa naming kaibigan. Noong unang pagkikita namin hindi ko siya kinakausap, hindi pinapansin. Ganun ako e, minamata ko lahat ng tao lalo na kung unang pagkikita. Mahirap kasi magtiwala. Hindi ko basta basta binibigay 'yun. Hanggang dumating ang pangalawa at ikatlong pagkikita, narealize ko mabait naman pala siya. Katulad din namin, masayahin siya. Sabi nga noong sa amin, di siya umubra sa kakulitan ko. Madaldal siya tulad ko, pero mas madaldal pa rin ako! Habang tumatagal, gumaan na pakiramdam ko sa kaniya. Katulad ng iba kong kaibigan, gusto kong lagi siyang nakakasama. Hindi pala siya tulad ng iniisip ko. Hindi tulad ng sinasabi ng iba.

Taliwas sa kaalaman ng marami. Hindi lahat ng kabilang sa frat ay mga duwag at masasamang tao. Na kaya nila piniling mapabilang sa grupong ito ay dahil kailangan nila ng karamay sa lahat ng bagay at may reresbak sa kung ano pa mang susuungin nilang away. Pero matapos ang isang pangyayari na nasaksihan ko kamakailan lamang, napatunayan ko hindi lahat. Hindi tamang isarado natin ang ating isipan na para hindi sila intindihin at paniwalaan. Tao rin sila na may pinagdadaanan. Minsan sila pa 'yung handang isuko ang sarili para ipaglaban ang tinatawag na samahan. Handang magsakripisyo para sa kapakanan ng kapwa kaibigan. Hindi lahat sa kanila ay duwag, maaring naiinspire silang maging matapang para maging kasangga ng iba. Hindi sila masasamang tao, katulad rin din natin sila. Normal, may buhay at grupong handang ipaglaban. 'Yan ang natutunan ko sa kaniya. 

Huwag tayong manghusga sa bagay na hindi naman talaga natin nalalaman at naiintindihan. Lahat tayo may istorya. Saka lang natin maiintindihan 'pag sibukan nating malaman.

No comments:

Post a Comment